Babae Mula Bani, Pangasinan, Nirescue ng PNP at MSWDO

Noong December 7, isang babae ang ibinaba ng isang Solid North bus na papuntang Urbiztondo, Pangasinan, sa PNP checkpoint sa may Junction. Siya ay iniendorso ng bus sa PNP matapos mapansing may malalim itong problema. Napag-alamang siya ay taga-Brgy. Ranao, Bani, Pangasinan.

 

Ang babae ay inihatid ng mga elemento ng PNP-Bayambang sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang makausap at mabigyan ng payo. Nahirapan ang mga social workers sa pagkalap ng impormasyon sa babae sapagkat di ito makapagsalita ng maayos. Paglaon ay napag-alaman nilang ang binibini ay mayroong depresyon dulot ng sitwasyon sa pamilya, kaya ang MSWDO ay hindi nagdalawang-isip na tulungan ito. Siya ay dinala sa Abong na Aro sa Brgy. Wawa at doon siya ay pansamantalang kinalinga habang hinahanap ang kaniyang pamilya.

 

Kinabukasan, December 8, ay sinundo ang binibini ng Bani MDRRMO at tatlong daycare worker ng Bani MSWDO kasama ng kaniyang pamangkin.