Noong October 13, 2022, nakihalok sa pagsasanay sa agroenterprise ang RiceBIS Pantol Farmers Association. Dito ay tinalakay ni Gng. Divina Gracia A. Vergara, Coordinator on Entrepreneurship Section ng College of Business Administration and Accountancy, Central Luzon State University, ang kahalagahan ng entrepreneurship sa pagsasaka at paggawa ng Business Plan upang masunod ang tamang pagbudget at wastong financial planning sa pagsasaka.
Naroon din si G. Joel V. Pascual, Supervising Senior Research Specialist ng PhilRice, upang talakayin ang kahalagahan ng merkado sa mga magsasaka. Binigyang-diin din niya ang ukol sa financial management upang magkaroon ang mga farmers ng ideya sa mabisa at epektibong paghawak ng pondo para makamit ang kanilang mga layunin.
Naroon ang BPRAT, MAO, at Agriculture Consultants bilang suporta sa nasabing training.