Noong October 17, nag-umpisang magpamahagi ang Municipal Agriculture Office ng complete fertilizer package sa 20 farmer-cooperators nito bilang pasasalamat sa kanilang pakikiisa sa nakaraang Pest Risk Identification & Management (PRIME) Training.
Ang mga farmers ay taga-Brgy. San Vicente, Bacnono, Malioer, Tampog, at Wawa.
Layunin ng PRIME Training na ipaunawa ang mga dahilan ng paglaganap ng peste sa pananim at tukuyin ang naaangkop na mga diskarte at taktika sa pamamahala upang mabawasan ang pagkawala ng ani.