Muling pinarangalan si Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno bilang top Municipal Nutrition Action Officer o MNAO sa buong probinsya ng Pangasinan, para sa taong 2021, at naging Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar naman si Gng. Annaliza M. Natividad (Brgy. Sancagulis) sa buong probinsya sa taong 2021. Ito ay ayon sa resulta ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation o MELLPI Pro for 2021 ng Provincial Nutrition Evaluation Team.
Matatandaang si Bueno ang nakasungkit ng naturang parangal noong 2020, kasabay ni Gng. Marcelina Macaraeg, na BNS ng Bacnono.
Patunay ito na patuloy na nagbubunga ang pagpupursige ng Municipal Nutrition Action Office upang isulong ang kalusugan at tamang nutrisyon sa ating bayan at dahil na rin sa pinaigting na suporta ng administrasyong Quiambao-Sabangan na mas matugunan ang pangangailangang pangnutrisyon ng bawat kabataang Bayambangueño.
Isang mainit na pagbati kina Gng. Bueno at Gng. Natividad at sa lahat ng bumubuo ng Municipal Nutrition Committee!