Isa na namang pagsasanay ang inorganisa ng LGU sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) sa layunin nitong pag-ibayuhin ang disaster response at coordination ng iba’t-ibang departamento at ahensya at iba pang stakeholders sa oras ng kalamidad at mga planadong aktibidad.
Ang Incident Command System Position Course Training (ICS-3) ay isang limang araw na training, na nag-umpisa noong November 20 at nakatakdang magtapos bukas, December 2, sa tulong ng Office of Civil Defense-Region I. Ito ay ginanap sa Lennox Hotel, Dagupan City.
May 35 LGU department heads at key staff ang nakatakdang magsipagtapos sa ICS-3, at nangakong magbibigay ng tamang serbisyo kapag kailanganin sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Local DRRM Officer Genevieve U. Benebe, sa pamamagitan ng ICS-3 ay inaasahang magkakaroon ng mas epektibong LGU responders na mamamahala sa bawat municipal-wide event at disaster at crisis situation sa pamamagitan ng pagsulong ng risk reduction sa lahat ng aspeto na may accountability, nararapat na resource management. Dahil dito ay mas lalo pang maisusulong ang kaligtasan ng mga Bayambangueño sa iba’t-ibang uri ng sakuna sa panahon ng kalamidad.