Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang budget ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P552,095,632.42 sa Budget Hearing na ginanap nitong ika-28 ng Nobyembre, 2022 sa Kapitolyo.
Sa pangunguna ni Mayor Niña J. Quiambao, at kasama si Vice Mayor Ian Camille C. Sabangan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Local Finance Committee (Budget, Accounting, Treasury, MPDO), at si Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, nagtungo sa Lingayen ang Lokal na Pamahalaan upang depensahan ang proposed budget na inilaan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa Bayambang.
Sa kabuuang budget, P503,306,150.50 ang para sa General Fund at P48,788,481.92 naman ang para sa Special Economic Enterprise.
Ayon kay Mayor Quiambao, “Maaasahan ng mga minamahal naming Bayambangueño na bawat piso sa budget na ito ay mapupunta sa tunay at tapat na serbisyong tatak Quiambao-Sabangan.”