SB Committee Hearing, Isinagawa ukol sa Pagkolekta ng Miscellaneous Fee ng BPC

Isang Committee Hearing ang inorganisa ng Sangguniang Bayan (SB) upang pag-usapan ang panukalang Municipal Ordinance No. 5, series of 2022, ukol sa hiling ng Bayambang Polytechnic College (BPC) na pagkolekta ng miscellaneous fee at iba pang bayarin mula sa mga estudyante.

 

Ang Commitee Hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho, at pinangunahan ni Committee Chairman on Education, Councilor Mylvin T. Junio, kasama si Councilor Benjie de Vera, noong November 22 sa SB Session Hall.

 

Naroon din bilang consultant si Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr., at sina BPC College President, Dr. Rafael L. Saygo, kasama ang ilang LGU department heads na sina Municipal Treasurer Luisita Danan, Local School Board Executive Director Rolando Gloria, Municipal Budget Officer Peter Caragan, Internal Auditor Erlinda Alvarez, ang head ng Office of the Special Economic Enterprise Joseph Anthony Quinto, at OIC Municipal Accountant Flexner de Vera para talakayin ang iba pang detalye kaugnay sa panukalang ordinansa.