Noong Linggo, November 20, 2022, nagsagawa ang Xtreme Riders Club at Paragon Squadron ng isang Ride for a Cause activity. Ito ay dinaluhan ng mahigit 200 riders mula sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan at maging mga riders mula sa Bulacan at Tarlac.
Ang opening program na ginanap sa Balon Bayambang Events Center ay dinaluhan ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan bilang hudyat ng kanyang suporta.
Ang ride-for-a-cause ay pinangunahan ng Xtreme Riders Club na miyembro ng Bayambang Municipal Association of Non-Goverment Organizations (MANGOs).
Ang nalikom na pondo rito ay pinaghatihatian ng tatlong beneficiaries na pawang taga-Bayambang: isang stroke patient mula sa Brgy. Manambong Norte, isang taga-Zone V na may butas sa puso, at isang taga-Brgy. Pugo na may leukemia.
Umasiste sa naturang aktibidad ang ating kapulisan at ang Bayambang Public Safety Office.