Pamaskong Handog 2022 para sa Bayambangueño, Nagsimula Na

Nagsimula na ang pamimigay ng Pamaskong Handog para sa lahat ng Bayambangueño sa 77 barangays dito sa ating bayan.

Ito ay mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ng kaniyang asawa na si Dr. Cezar T. Quiambao sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation, kaya walang ginastos ang Lokal na Pamahalaan para rito.

 

Taun-taon ay ginagawa ito dahil nais ni Mayor Niña na magkaroon ng handa at maging masaya ang bawat pamilyang Bayambangueño sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

 

Sa unang linggo ng aktibidad na ito ay may 25,365 pamilya na mula sa 40 na barangay ang nakatanggap ng Pamaskong Handog