Bilang pagtatapos ng 30th National Children’s Month Celebration, inorganisa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang isang Culminating Activity sa Balon Bayambang Events Center noong November 24 kung saan tampok ang 2022 State of the Children’s Address (SOCA) ni Mayor Niña J. Quiambao.
Ang taong 2022 ay may temang “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata, Ating Tutukan.”
Sa programang ito, inihatid ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kanyang kauna-unahang State of the Children’s Address, kung saan inilahad niya ang plataporma nitong “Edukasyon para sa Lahat, Kalusugan para sa Lahat, Proteksyon ng mga Kababaihan at Kabataan, Pagpapayabong ng Sektor ng Agrikultura, Trabaho at Hanapbuhay para sa Lahat, at Mahusay at Tapat na Lingkod-Bayan,” at ito aniya ay para masiguro ang maayos na kinabukasan ng mga bawat kabataan sa Bayambang.
“Ang batang nakakatanggap ng sapat na pag-aaruga ay mas malaki ang tyansang lumaki nang may pagmamahal sa bayan at sa kapwa. Our children are the seeds of the future. It is how we nurture them, how we treat them, and how we take care of them that determines how they will treat each other. Alam ko na bawat isa sa atin dito ay gusto silang maging mabubuting tao, kaya’t tayong mga nakatatanda, lalung-lalo na tayong mga opisyal at empleyado ng gobyerno, ay dapat maging mabuting ehemplo sa mga kabataang Bayambangueño,” payo niya.
Dinaluhan din ang SOCA 2022 nina Vice-Mayor IC Sabangan, Konsehal Benjie de Vera, Konsehal, Martin Terrado II, KKSBFI Livelihood Consultant at dating MSWDO head Lerma Padagas, representante mula sa PNP-Bayambang, ilang LGU department heads at mga hurado na sina Bb. Geneva Reyes Cho, Project Development Officer II ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at Bayambang DILG representative Paul John Lomibao.
Mensahe ni Vice Mayor IC Sabangan, “Kabataan ay palaging sinasabing pag-asa ng bayan, kaya dapat ang ating pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang bigyan pansin, hubugin, protektahan at bigyan importansya ang edukasyon, kalusugan at kasiyahan ng ating mga bata. Young people not only represent our country’s future; they are also one of society’s primary agents of change and progress. Youth also have a significant impact on economic development. You develop many social relationships and a personality that defines your new generation during this stage of your lives. Kaya sa mga ganitong programa dapat ang kabataan ay proactive at nakikilahok sa mga pang sibikong gawain upang mas mapaunlad pa ang kaalaman at maging isang kapaki-pakinabang na indibiwal sa ating komunidad.”
Sa mensahe ni Sangguniang Bayan Committee Chairman on Women, Children and Family, Konsehal Benjie de Vera, kanya namang ipinaalam ang mga resolusyon na kanyang ipinasa para sa kapakanan ng mga kabataan, at nanawagan ito upang ang implementasyon ng mga ito ay suportahan ng lahat.
Mensahe naman ni OIC MSWD Officer Josie E. Niverba: “Sa mga nakalipas na taon ay nagkaroon ng pandemya sa bayan ngunit kahit ganoon, hindi natin hinayaang tumigil ang mundo at gamitin ang bawat oras upang turuan sila, hindi lamang sa akademiko kundi sa iba’t-ibang bagay. Saksi ako kung paano ipaglaban ang karapatan at protektahan ang mga bata sa ating bayan, sapagkat our children only have one childhood, let us make it count, let us make it memorable and worthwhile. At tandaan natin, maaari itong gawin, hindi lang sa buwan ng Nobyembre, dahil araw-araw ay buwan ng mga bata.”
Naging representante ni Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez si G. Eduardo R. Dulay upang ipahayag ang “Panatang Makabata” na layuning matiyak ang kahalagahan at naisusulong ang karapatan ng mga bata sa lipunan.
Sa event na ito ay pinarangalan din ang mga kabataang nagwagi sa mga idinaos na patimpalak ng MSWDO para sa mga child development learners at mga estudyante ng pampublikong eskwelahan sa Bayambang na nagtagisan ng galing sa ginanap na Children’s Month Celebration noong November 18 sa Bayambang Central School Covered Court. Itinanghal na panalo sa Draw and Tell si Jemarie Kate D. dela Cruz, 2nd place naman si Ruzette Marie S. Albo, at 3rd place si Zjhay C. Alejandre. Sa Poster-Making Contest, itinanghal na 1st placer si Rico Jay P. Macaraeg ng Nalsian Elementary School, 2nd placer si Queen Heart E. Camacho, at 3rd placer naman si Regine Verceles. Sa Bayambang Got Talent ay nangibabaw naman si Viennah Joemarish R. dela Cruz, 2nd place si Aurora Dynisse G. Solis, at 3rd place naman si Alcilla Lourne F. Bugarin. May premyong P5,000 ang mga 1st placer, P3,000 ang mga 2nd placer, at P2,000 ang mga 3rd placer, at may tig-P1,000 naman na consolation prize ang mga di pinalad magwagi.
Pangwakas na mensahe ni Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario, na ihinatid ng representanteng si Bernadette P. Manamtan, “Government has taken the necessary steps to ensure a safe and sound return of face-to-face learning in schools through the implementation of safety protocols and vaccination drives in communities to keep our children protected from disease. With children’s rights in mind, we are again called to take the helm of protecting children’s rights so they realize their full potential and capability to become productive members of our society. We move forward with this mind: ‘The Children are the future, and together, we can make that happen.