P3M na Ayuda mula kay Sen. Imee, Inihandog sa 1,000 Bayambangueño

Bumisita Noong November 18, si Senadora Imee Marcos sa Bayambang hatid ang ayudang nagkakahalaga ng P3M sa inisyatibo ng kanyang opisina sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

 

Siya ay sinalubong sa Balon Bayambang Events Center nina Mayor Niña Jose-Quiambao at kabiyak nitong si Dr. Cezar T. Quiambao, kasama sina Vice-Mayor IC Sabangan at lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.

 

Ang naturang ayuda ay ipinamahagi ng DSWD at MSWDO sa mga person with disability, senior citizen, at solo parent na Bayambangueño.

Dumalo rin sa okasyong ito sina Cong. Rachel Baby Arenas, Gov. Ramon Guico III, Vice-Governor Mark Lambino, Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, kasama si DAR Regional Director Maria Anna Francisco, at Assistant Secretary for Consumer Affairs and DA Spokesperson Kristine Y. Evangelista.

 

Pagbating mensahe ni Senadora Imee, na nagdiwang din ng kanyang birthday sa araw na ito, “Mas malawak ang langit kaysa sa lupa at maraming solusyon sa mga problema.”

 

Kasabay nito ang pamamahagi niya, kasama ang mga matataas na opisyal, ng Nutribun, laruan, at iba pang goodies mula sa kanyang dalang Nutribus.

 

Inihatid din niya ang magandang balita na makakatanggap ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ng P5M mula sa Department of Agriculture para sa konsiderasyon ng malawakang irigasyon at upang buhayin ang mga bukid sa Bayambang.”

 

May 1,000 na benepisyaryo ng programang DSWD-AICS ang nakatanggap kada isa ng P3,000 na cash. Ang mga ito ay dumaan sa profiling at assessment ng Department of Social Welfare and Development mula sa listahan ng MSWDO kahapon, November 17, sa nasabi ring venue.