Sa opisyal na pagtatapos ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5, sa Brgy. Carungay ibinigay ang mga libreng serbisyo ng Munisipyo, at sakop nito ang ang tatlong barangay ng Carungay, Inirangan, at Reynado.
Dahil dito ay nakumpleto ng KSB Year 5 team at buong Team Quiambao-Sabangan ang coverage ng 77 barangays ng Bayambang sa paghahandog ng mga serbisyong tatak Total Quality Service para sa lahat ng Bayambangueño.
Dumalo sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, kasama sina Councilor Amory Junio, Coun. Jose ‘Boy’ Ramos, Coun. Mylvin ‘Boying’ Junio, at Coun. Martin Terrado II.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Virgilio T. Romano at Carungay Elementary School Principal George dela Cruz, buong galak at ngiti na tinanggap ang KSB team ng mga residente ng tatlong barangay, kasama siyempre sina PB Jonathan Espejo ng Brgy. Inirangan, PB Joselito Sabangan ng Brgy. Reynado at kanilang mga kagawad, tanod, at health workers.
Wika ni PB Romano, “Narito na ang pagmamahal ng ating Mayor at ng buong pamunuan ng LGU Bayambang. Yakapin po natin sila ng mahigpit dahil tunay na hindi tayo pinapabayaan ng ating bayan.”
Nagbigay naman si Coun. Terrado ng paala-ala sa mga residente na alagaan ang kapaligiran ng kanilang barangay. “Mahalin natin ang ating sarili at ang ating barangay, respetuhin at sumunod sa mga alintuntunin, at lumahok sa mga programa ng bayan,” pagdidiin niya.
Sa mensahe ni KKSBFI Chief Operation Officer Romyl Junio, hinikayat niya ang bawat isang dumalo ng paunlarin ang kabuhayan sa pamamagitan ng pagnenegosyo. “Ang kahirapan ay gawin niyong motivation upang kayo ay umangat. Narito po kami, ang Kasama Kita sa Barangay Foundation at ang Niña Cares Foundation, upang tulungan kayo sa mga proyektong nais niyo, dahil hindi pa tapos ang ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.”
Sa special message ni VM Sabangan, malugod niyang ibinahagi na nakumpleto na ang 77 barangays na hinandugan ng libreng serbisyo na nagmumula sa puso ng LGU Bayambang at ng KKSBFI. Aniya, “Ito nga po
ang huling KSB sa mga barangay, ngunit hindi po dito nagtatapos ang tapat at totoong serbisyo para sa inyong lahat. Marami pa po tayong kaabang-abang na programa para sa ating bayan.”
Sa AVP naman ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sinambit niya na sa pagtatapos ng KSB Year 5, tunay na totoo at tapat ang administrasyong Quiambao-Sabangan sa mga adhikaing maiwaksi ang kahirapan sa bayan. Paliwanag niya, “Sa pagpapatuloy ng ating mga programa, sinisigurado namin na lahat na mas maraming magbubukas na negosyo upang ang lahat ay magkaroon ng trabaho.”
Para sa huling pananalita, nagpasalamat naman si Coun. Ramos at nag-iwan ng ngiti sa mga labi ng mga residente. Inimbitahan niya ang mga dumalo sa event na makilahok sa pailaw sa plaza, ang Paskuhan sa Bayambang, na nakatakda kinagabihan ng araw ding iyon.
Narito ang mga datos, ayon sa tala ng overall organizer na si Dr. Roland M. Agbuya.
Clients at venue (care of HRMO & Accounting): 252
Clients in field services: 505
Total registered clients:757
———-
Breakdown of Field Services:
MAO services:
– Seedling distribution: 34 recipients (40 pieces of assorted vegetable seedlings) (amount saved by client: P1,000)
– Antirabies vaccination: animal pet owners served: 28; animals vaccinated: 55 (P5,500)
Assessor: 22
Treasury: 394
Dental services:
– Tooth extractions: 7 clients; tooth extracted: 8 (P1,200)
– Dentures: 6 clients; dentures (per arch): 11 (P11,000)
– Fluoride application, toothbrushing drill, oral health IEC: 41 (P12,300)
Total patients: 54 (P24,500)
Ultrasound: 31 (P12,400)
Circumcision: 4 (P2,000)
————–
Breakdown of Services at Venue
MSWDO: 6
LCR: 7
MAC: 1
MESO: 1
KKSBF haircut: 75; 10 haircutters (P7,000)
Medical consultation: 133 clients; prenatal:11
Blood chem/serology/CBC/UA/Hgb,Hct: 36 (P16,210)
Medicines and vitamins: (P36,693.23)
Giveaways: 222 (P8,360)
Covid-19 vaccination: 10
Health IEC:
0-10 y.o.: 68
11-19 y.o.: 10
20-39 y.o.: 25
40 & older: 118
Pregnant: 11
MDRRMO distribution of face masks: 150 pieces (P1,050)
Food for KSB participants (GSO): to follow