Mental Health IEC at Counseling, Pinaigting ng RHU

Dahil sa pagtaas ng kaso ng suicide sa Bayambang, lalong pinaigting ng Rural Health Unit ang kanilang information-education campaign ukol dito. Kasama sa kanilang intervention program ang counseling sessions sa mga kabataang nangangailangan ng tulong.

 

Noong November 14, ang team ni Dra. Paz Vallo ay nagtungo sa Bayambang National High School para maglecture sa mga Grade 9, 10, 11 at 12 students. Sa kabuuang 331 students, mayroong 107 ang nagsabing sila ay nakaranas ng suicidal ideations dahil sa iba’t-ibang dahilan, gaya ng family problems, school modules, mataas na expectation ng parents sa kanilang grades, pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, sexual molestation, at pagkakaroon ng ibang asawa ng ina.

 

Sa Tococ National High School naman noong November 11, sila ay naglecture sa mga Grade 10 students, at out of 176 students, mayroong 36 ang binigyan ng counseling sa iba’t-iba rin ngunit halos kaparehong mga kadahilanan.

 

Narito ang kumpletong datos sa tala ni Dra. Vallo:

Total Grades 7 to 10 students who attended the IEC: 1,671.

Break down of school attendance:

Tanolong NHS: 407

Beleng: NHS: 294

Tococ: NHS: 639

BNHS: 331 (selected only)

Number of students counseled: 233

 

Naging lecturer at facilitator dito sina Grace O. Abiang, Jonathan Florentino, Jessie Herrera, Erik Macaranas, at Karen Romano-Blosan, at kabilang sa mga umasiste sa kanila sina Chit Junio, Teresita Mangandi, Josephine Revives, Rebecca Paca, Margie Mejia Salvador, Imelda Sajol, Zaldy Valerio, at Mamerto Perez.

 

Ipinaramdam ng team sa mga kabataan na sila ay hindi nag-iisa sa kanilang mga pinagdaraanan.