COA Entrance Conference, Dinaluhan ng mga LGU Head

Nagtungo ang Commission on Audit sa Municipal Conference Room noong ika-14 ng Nobyembre, 2022 upang i-presenta ang kanilang mga audit findings kay Mayor Niña Jose-Quiambao at sa mga department head, sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.

Sa Entrance Conference, iprinisenta ng mga miyembro ng Audit Team ang mga maaaring maipaloob sa Annual Audit Report 2022 base sa Article IX-D Section 2 ng 1987 Constitution.

 

Ang pag-audit ay mahalagang parte ng check and balance sa gobyerno upang masiguro na sa tamang paraan ginagamit ng Lokal na Pamahalaan ang pondo ng taumbayan.