SocPen Cash Cards, Ipinamahagi sa 2nd Batch ng Indigent SCs

 

Noong November 12, nagsagawa ang DSWD at MSWDO sa Events Center ng ikalawang distribusyon ng cash cards na naglalaman ng social pension para sa mga indigent senior citizens.

 

Ayon sa MSWDO, sa tulong ng LandBank, may 1,424 out of 1,672 total cash cards ang kanilang nairelease.

 

Kaya’t sa kabuuan, anila, ang total released cash cards para sa unconditional cash transfer ng social pension ng indigent senior citizens sa Bayambang ay nasa 3,041 out of 3,289 beneficiaries.

 

Tumulong sa aktibidad ang GSO, BPSO, PNP, RHU medics, at ICTO.