Isang skills upgrading training sa paggawa ng basahan gamit ang inabel of tradisyunal na panghahabi ng mga Ilokano ang isinagawa ng Department of Trade and Industry-Pangasinan at Negosyo Center Bayambang sa pangunguna ni Provincial Director Natalia B. Dalaten. Ang training ay isinagawa sa Brgy. Sanlibo noong November 10 to 12, at ang benepisyaryo ay ang Sanlibo People’s Association Inc. Ang mga trainees ay binisita at binigyan ng konting pangmeryenda ni Councilor Jose ‘Boy’ Ramos.