Nagpulong noong ika-11 ng Nobyembre, 2022 ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang at ang Department of Education ukol sa Bayambang Central School at mga kailangang ihanda kapag ito ay naibalik na bilang pagmamay-ari ng mga Bayambangueño.
Kasama sa pagpupulong na ginanap sa Municipal Conference Room sina Mayor Niña Jose-Quiambao, Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante, Jr., OIC-Market Supervisor, Atty. Melinda Rose Fernandez, at Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael L. Saygo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, at sina Pangasinan I Schools Division Superintendent, Dr. Ely Ubaldo, Bayambang District I Public Schools District Supervisor, Dr. Angelita V. Muñoz, Bayambang Central School Principal, Dr. Glenda C. Peralta, Regional Director, Dir. Tolentino Aquino, at iba pang mga representante mula sa regional, provincial, at district offices ng DepEd.
Sa kanyang mensahe, tinawagan ni Mayor Quiambao ang mga representante mula sa DepEd na makiisa sa adhikain ng Lokal na Pamahalaan dahil napakahalaga ng edukasyon sa pagsulong ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan at sa pagsiguro ng magandang kinabukasan para sa mga kabataan.
“We are fighting for the right of Bayambangueños,” saad naman ni dating Mayor Quiambao. Matatandaang sa administrasyon ng dating alkalde nagsimula ang laban upang mabawi ang paaralan.
Kabilang naman sa mga natalakay ang muling pagbuhay sa mga Gabaldon building na nasa Central School. Ang mga ito ay mga cultural properties na kailangang i-restore at alagaan bilang parte ng kasaysayan ng bayan.
Patuloy na ipinaglalaban ang pagbawi sa Bayambang Central School, at mas pinaigting pa ang pakikipagtulungan ng DepEd sa Lokal na Pamahalaan upang masiguro na maibalik na ang paaralan sa mga Bayambangueño.