Noong November 11, nagbigay ang NEO Amca Innovative Solutions Corp. ng isang Training-Workshop on Risks and Opportunities sa Niña’s Cafe. Dito ay sinuri kung anu-ano ang mga kaakibat na risks at opportunities ng kada quality objective at work process na binalangkas ng mga departamento ng LGU.
Ang panghuling session na ito ng NEO Amca ay kaagad sinundan ng isang plenary presentation na umabot ng gabi, dahil isa-isang hinimay ang mga output ng kada unit at department nina President/CEO, Atty. Ethelwolda C. Aldea, Corporate Secretary, Atty. Agustin D. Aldea, at ang kanilang mga kapwa Senior Consultants na sina Carmelito Y. Bontia, Emilynn R. Bontia, at Jerick Reymar Aldea.
Niliwanag ng mga trainor na kailangang isabuhay ng lahat ang risk management mindset dahil di naman maiiwasan ang mga threats sa trabaho, at sa kabilang banda naman ay kailangan ding maging handa sa pagsalo ng grasya kung sakaling ito ay dumating.
Ang event ay inorganisa ni ICT Officer Ricky Bulalakaw at kanyang staff.