Tinipon ang mga LGU scholar sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park ngayong araw, November 9, para sa payout ng Educational Financial Assistance na inorganisa ni Local School Board Executive Director Rolando Gloria.
Sa tulong ng Treasury Office staff, may 1,000 na lokal na estudyante ang tumanggap ng financial assistance na handog ng lokal na pamahalaan para sa kanilang pag-aaral.
Ang mga napiling recipients ng educational financial assistance ay masusing dumaan sa validation ng opisina ng Local School Board.