DOLE TUPAD Profiling

Ginanap ang isa na namang profiling ng DOLE Region I para sa benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng ahensya, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Employment Services Office at sa tulong ni Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas. Ito ay ginanap ngayon, November 8, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

May 1,114 members ng iba’t-ibang tricycle operators and drivers associations (TODA) ng Bayambang ang nakatakdang maging recipient ng TUPAD cash grant kapag nakapasa sa evaluation ng DOLE.