Updates on ISO Preparatory Activities

 

Patuloy ang mga LGU department sa paghahanda sa mga nararapat gawin patungo sa ISO 900:2015 certification. Matapos ang online consultation ng mga written procedures ng bawat departament at unit noong November 2-4, nagkaroon ng individual face-to-face checking ng mga revisions ng November 7 sa Events Center.

 

Pagdating naman ng November 8, inumpisahan ang plenary presentation of procedures ng bawat department at unit for final approval sa naturan ding venue.

 

Sa susunod na mga araw, nakatakdang magbigay ang NEO Amca ng Training-Workshop on Risks and Opportunities, na susundan naman ng isa ulit na plenary presentation, bago ang implementasyon ng Quality Management System sa buong LGU.