Temporary Bailey Bridge sa Wawa, Binuksan Na ng DPWH

 

Nagbukas na sa mga light vehicles ang temporary bailey bridge na ginawa ng DPWH katulong ang LGU-Bayambang ngayong araw, November 8, sa Brgy. Wawa.

 

Ayon sa DPWH District Engineer, 5 tonelada lamang ang kapasidad ng 37-meter bailey bridge at one way lamang ito, kaya’t may magbabantay sa magkabilang dulo nito.

 

Ang maaaring dumaan lamang ay mga pedestrian, bike, motorsiklo, maliit na kotse, unloaded jeepney, at unloaded van.