Noong November 7, isang teacher ang nagpapasalamat sa pagkakabalik ng kanyang wallet na nahulog niya sa isang gasoline station kahapon, November 6.
Pinapasalamatan ni Gng. Ade Marie Rufino ng Wawa Elementary School ang LGU employee na si Ralph Perez ng Municipal Cooperative Development Office at ang mga kasamahan nito sa Reaction 166 at Bayambang Matikas Eagles Club, matapos magtulung-tulong ang dalawang grupo upang hanapin at macontact ang driver ng tricycle na nakita sa CCTV footage na siyang nakapulot sa naturang wallet.
Ayon kay G. Perez, ang wallet, na naglalaman pera, ID, at alahas, ay naibalik sa guro sa loob lamang ng isang oras na paghahanap.
Nagreport ang guro sa himpilan ng pulisya para sa documentation ng turnover ng kanyang wallet.