Noong November 7, sinimulan nang ipamahagi ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ang Early Childhood Care Development (ECCD) Checklist para sa 3,200 learners na naka-enroll sa Child Development Centers sa Bayambang. Ito ay alinsunod sa mandato na nakaangkla sa RA 8980 o Early Childhood and Development Act.
Ang ECCD Checklist ay ginagamit bilang isang assessment at monitoring tool ng mga tinaguriang “domain characteristics” ng bawat Child Development Learner.
Ayon sa MSWDO, ang ECCD Checklist sa ibang lokal na pamahalaan ay binabayaran ng mga magulang, pero nang naluklok ang administrasyong Quiambao-Sabangan, naging libre ito sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo mula sa MSWDO.