Sa unang linggo ng Nobyembre, inanunsyo ni MENRO Joseph Anthony F. Quinto na muling nasungkit ng Brgy. Ambayat 1st ang pinakamalinis na barangay para sa buwan ng Oktubre sa proyektong “Bali Balin Bayambang” ni Mayora Niña J. Quiambao. Ang awarding ay ginanap noong November 7, matapos ang flag-ceremony sa Balon Bayambang Events Center. Ang papremyong P15,000 cash prize ay mula sa sariling bulsa ng alkade, at ito ay dinagdagan ng P10,000 mula sa ama ni Mayor Niña na si G. Philip Jose.