Kasama sa mga nagsilbing force multipliers ng PNP sa implementasyon ng Oplan Kaluluwa 2022 noong panahon ng Undas, mula October 29 hanggang November 1, ang mga volunteer reservists sa ilalim ng bagong-talagang Commander ng Alpha Company ng 104th Reserve Army ng Philippine Army na si Lt. Amory Junio.
Kasama rin sa umalalay si Bayambang Public Safety Officer, Ret. Col. Leonardo Solomon, bilang Battalion Commander ng Western Pangasinan.
Sakop ng serbisyo ng Alpha Company sa ilalim ni Lt. Junio ang buong 3rd Congressional District ng Pangasinan (Bayambang, Malasiqui, Calasiao, Mapandan, San Carlos, Sta. Barbara) at ang bayan ng Basista.