98 Farmers, Tumanggap ng Sure Aid Loans ng DA

Tinangap ng mga 98 na magsasakang nasalanta ng bagyong Maring noong 2021 ang aprubadong Sure Aid loans mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ng Department of Agriculture, sa tulong ng Municipal Agriculture Office noong October 27 sa Sangguniang Bayan Session Hall.

 

Ang bawat isa ay tumanggap ng P20,000 mula conduits sa Nueva Segovia Consortium Cooperative (NSCC), kung saan kinaltas ang processing fee na P1,600.

 

Ang loan ay may 0% interest, walang collateral, at babayaran ng mga magsasaka sa loob ng 10 taon. Ito ay malaking tulong upang matustusan ang sakahin ng mga magsasaka.