Noong October 24, nagbigay ng Plaque of Recognition bilang pasasalamat ang Rotary Club of Bayambang sa suportang ibinuhos ni Mayor Niña Jose-Quiambao at former Mayor Cezar T. Quiambao sa ginanap na malaking event ng grupo na dinaluhan ng iba pang Rotarians mula pa sa iba’t-ibang rehiyon. Sa unang pagkakataon ay naging host ang Bayambang sa naturang malakihang pagtitipon ng grupo, kaya’t minabuti ni Mayor Niña at ng Tourism Office na ibida ang mga accomplishments ng Quiambao-Sabangan administration at mga ipinagmamalaking produkto ng bayan.