Noong October 22, ang DSWD-FO I at MSWDO ay nagdistribute ng cash cards sa mga indigent senior citizens ng Bayambang sa Events Center sa tulong ng Landbank.
Ulat ng MSWD OIC, “out of 1,776 indigent senior citizens na nakalista, mayroong 1,528 na ang nakapag-claim” sa unang bugso ng pamamahagi ng financial grant na ito ng DSWD.
Samantala, ang DSWD at MSWDO team ay nagtungo sa Ambayat 2nd Covered Court upang maipamahagi nang minsanan ang cash cards ng mga benepisyaryo na taga-Brgy. Warding, Tampog, San Vicente, Ambayat 1st, at Ambayat 2nd, ang limang barangay na apektado ng pagkasira ng Wawa Bridge. Dahil dito ay hindi na kinailangang magpunta sa venue ng mga indigent senior citizens na tagaroon.
Sa ginanap na distribusyong ito, nagbigay ng security assistance ang PNP at BPSO, naghatid ng medical assistance ang RHU II, at nagpahiram ng dalawang wheelchair ang MDRRMO para sa mga senior citizens na nahirapang pumila. Sinigurado naman ng GSO na maayos ang venue bago, habang ginaganap, at matapos ang aktibidad.