Patuloy ang LGU-Bayambang sa pagbibigay ng libreng sakay araw-araw mula Lunes hanggang Linggo sa pamamagitan ng water at land transportation, sa pamumuno ng MDRRMO (water) at BPSO (land).
Katulong ng MDRRMO sa water transport ang Pangasinan PDRRMO, at sila ay may isa hanggang dalawang minutong byahe mula 5 AM hanggang 6 PM sa magkabilang dulo.
Para sa land transport, may walong 2-hour trips mula Munisipyo hanggang San Vicente Barangay Hall at pabalik.
Mula October 20 hanggang November 2, nakapagtala ang BPSO ng 3,693 na pasahero.
Gamit sa libreng serbisyong ito ang mga sasakyan at driver ng MDRRMO, GSO, Motorpool, MCDO, Engineering, Nutrition, Senior Citizen, Treasury, MPDC, MENRO, RHU 1, RHU 2, RHU 3, LCR, Assessor, IAS, MAC, Agriculture, at Slaughterhouse.
Nagbibigay naman ang PNP-Bayambang ng security sa lugar.
Nag-volunteer din ang St. Vincent Ferrer Prayer Park ng kanilang bus at ang Agricultural Infrastructure & Leasing Corp. (AILC) ng kanilang