DTI, Namigay ng Livelihood Kits sa Calamity Survivors

Noong October 18, ang DTI Pangasinan ay nagconduct ng Entrepreneurship Seminar at Awarding of Livelihood Kits sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program ng ahensya. May kabuuang 44 sari-sari store, 1 canteen, 4 bigasan, 1 salon, at 1 food processing livelihood kits ang inaward sa mga benepisyaryo.  Ang Livelihood Seeding and Entrepreneurship Development Program na ito ng DTI ay para sa mga MSME na apektado ng sunog at iba pang kalamidad.