Elderly Filipino Week, Ipinagdiwang ng FSCAB

Ipinagdiwang ang Elderly Filipino Week sa Balon Bayambang Events Center noong ika-5 ng Oktubre sa pangunguna ng Federation of Senior Citizen Associations of Bayambang (FSCAB) sa tema na, “Resilience and Contributions of Old Women and Men.”

 

Ang lahat ng dumalo ay nagbalik-tanaw sa mga bagay na kanilang inilaan para sa bayan, pamilya at kapwa.

 

Ang mga seniors ay binati sa buong araw na event na ito ng matataas na opisyal ng probinsya at bayan, kabilang sina Vice-Governor Mark Lambino, Congresswoman Rachel Arenas, Mayor Niña-Jose Quiambao, at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, kasama sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at Office of the Senior Citizen’s Affairs Chairperson Eligio Veloria.

 

Mensahe ni Mayor Niña, “Tunay ngang dakila ang lahat ng mga seniors, dahil sa kanilang pagmamahal, serbisyo at sakripisyo.”

“You are instruments of God’s blessings to everyone,” aniya, “kaya’t sana lahat kayo ay masaya at nag-eenjoy sa buhay.”

 

Bilang parte ng programa, dalawang centenarian na sina Nieves dela Cruz ng Brgy. Zone 7 at Eusebio Benitez Sr. ng Brgy. Inanlorenza ang tumanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng P100,000 alinsunod sa Centenarians Act of 2016.

 

Agad ang mga itong hiningian ng payo ni Mayor Niña kung ano ba ang kanilang sikreto sa pag-abot sa 100 years at game na nakipagkulitan pa sa mga ito.

Napuno ang lugar ng kasiyahan at aliw dahil sa partisipasyon ng bawat grupo ng senior citizens sa kani-kanilang mga performances.