Local Farmers, Nag-lakbay Aral sa PhilRice

Ang mga magsasakang Bayambangueño, sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office, ay inanyayahan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na lumahok sa Lakbay Palay Wet Season 2022 ngayong araw, Setyembre 14, sa Department of Abgriculture (DA)-PhilRice Central Experiment Station sa Science City of Muñoz sa probinsiya ng Nueva Ecija. May kabuuang 40 na miyembro ang inilaan para sa delegasyon mula sa Bayambang.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na magbigay ng praktikal na karanasan sa pag-aaral sa mga magsasaka at agricultural extension workers na may first-hand na impormasyon tungkol sa napapanahon na teknolohiya ng produksyon ng bigas ng PhilRice at pinakamahuhusay na pamamaraan sa pagsasaka. Layunin din nito na magbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na matuto nang higit pa tungkol sa Bukid Tipid Tips ng PhilRice at maging bahagi ng talakayan ng mga programa at serbisyong nakapaloob sa Rice Competitiveness Enhancement Fund ng DA.

 

Arrow
Arrow
Slider