Ginanap muli ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5, at noong July 15, nagtungo ang Munisipyo sa Langiran Elementary School sa Brgy. Langiran, kung saan kasama ang Brgy. Langiran, Alinggan, at Malimpec sa mga naserbisyuhan. Dito ay pinagsama-sama ng gobyernong lokal ang mga iba’t-ibang serbisyong handog nito, hindi lamang medical services kundi pati na rin mga non-medical services. Sa kabuuan, sa tala ni Dr. Roland Agbuya, mayroong 772 clients ang nagparehistro.