Pre-Construction Conference para sa San Gabriel Road Project

Pre-Construction Conference, Isinasagawa para sa San Gabriel II FMR Project

Noong June 22, nag-umpisa ang tatlong araw na Pre-Construction Conference para sa proyektong “Improvement of San Gabriel II Farm-to-Market Road with Bridge,” na isang kolaborasyon sa pagitan ng LGU, DA-PRDP, at World Bank.

Naroon sa San Gabriel 2nd Elementary School Covered Court ang mga miyembro ng Municipal Project Management Implementing Unit ng LGU kasama ang mga kinatawan ng Project Support Office ng Regional Project Coordination Office ng PRDP para magbigay ng kinakailangang impormasyon.

Kabilang sa mga paksa ng talakayan ay nakatuon sa aspeto ng procurement, geomapping, social and environmental safeguards, monitoring and evaluation, at IBUILD o Intensified Building Up of Infrastructure for Logistics and Development.

 

Arrow
Arrow
Slider