Kasama ang representante ng DENR – Community Environment and Natural Resources Office na si Sonny Boquiren, nagtungo ang Municipal Assessor’s Office sa pangunguna ni Municipal Assessor Annie De Leon sa Brgy. Balaybuaya, Langiran, at Pangdel noong June 25. Doon ay binigyan ang mga opisyal ng mga barangay ng notice of special patent mula sa DENR.