RCEP Seeds ng DA, Ipinamahagi sa mga Magsasaka

RCEP Seeds ng DA, Ipinamahagi sa mga Magsasaka

Noong May 12, nagsimulang mamahagi ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pamumuno ng OIC head na si Zyra Orpiano ng high-quality rice seeds na bigay ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEP) nito.

Mayroong 2,269 na tig-20-kg bag ng RCEP seeds ang ipinamahagi sa mga farmers’ association na sapat para sa sakahang 1,134.5 ektarya.

Sa mga susunod na buwan, nakatakdang makatanggap ang mga lokal na rice farmers ng iba pang intervention sa ilalim ng Rice Banner Program ng DA katulad ng Hybrid Expanded, Inbred Expanded, at Fertilizer Scheme.

Ang mga farmers’ association sa iba’t-ibang barangay ang namahagi ng mga sako ng RCEP seeds sa kani-kanilang mga member-farmers, sa patnubay ng mga area technicians na naatasan ng MAO.

(Photos by MAO)

Arrow
Arrow
Slider