Pinapatunayan ng mga Sangguniang Kabataan Officials na hindi hadlang ang edad sa pagtulong sa mga nangangailangan ngayong kinakaharap natin ang isang matinding kalaban.
Sa inisyatibo ng SK Officials ng Brgy. Bical Norte ay nabuo ang programang “Libreng Lugaw sa Barangay” kung saan marami ang tumatanggap ng libreng lugaw simula noong ika-13 ng Abril bilang suporta sa mga pamilya na nawalan ng kabuhayan dahil sa Enhanced Community Quarantine na ipinapatupad para sa kaligtasan ng lahat mula sa COVID-19. Ayon sa kanila, layunin ng programang ito na mabawasan ng kahit kaunti ang pasanin sa pang-araw-araw na gastusin ng bawat pamilya sa kanilang barangay. Ito ang kanilang munting paraan para makatulong sa kanilang mga kapwa Bayambangueño at makapaghatid ng serbisyong publiko.
Photos by: Sangguniang Kabataan Ng Bical Norte
#BalonBayambang
#TotalQualityService