Info Campaign ukol sa COVID-19 Atbp, Pinaigting
Patuloy si Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo kasama ang buong puwersa ng RHU 1, 2 and 3 at ng Department of
Health sa pagbibigay ng tamang kaalaman ukol sa COVID-19 at iba pang sakit upang maging handa ang bawat barangay
sa pagresponde ayon sa protocol ng DOH.
Inaabisuhan ang lahat na laging panatilihing malinis ang paligid at pangangatawan, hugasang mabuti ang mga kamay,
kumain ng wasto, at iwasan munang makihalubilo sa matataong lugar, at kaagad na magpacheck-up kung may
nararamdamang mga sintomas. Iwasan din po natin ang magpanic-buying para sa kapanatagan ng lahat.