IEC on Responsible Parenthood and Maternal Health Care with Free Lab Check-Ups

“IEC on Responsible Parenthood and Maternal Health Care with Free Lab Check-Ups,” Inilunsad ng RHU II

Ang Rural Health Unit II sa Brgy. Wawa, sa pamamahala ni Dra. Adrienne A. Estrada, ay nagsagawa ng “Buntis Party” noong March 6 sa Wawa Barangay Hall at March 10 sa Telbang Barangay Hall.

Ang una ay dinaluhan ng 40 na buntis na nagmula sa Brgy. Wawa, Darawey, Pugo, Amancosiling Norte, Amancosiling Sur at San Gabriel 1st, at ang ikalawa ay dinaluhan ng 26 na buntis na nagmula sa Brgy. Buayaen, Dusoc at Telbang. Ang programa ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng (1) pagkakaroon ng malusog na pagbubuntis, (2) tamang paraan ng pagpapasuso ng ina (breastfeeding), at (3) pagpaplano ng pamilya. Nagsagawa din sila ng libreng laboratory tests gaya ng CBC, urinalysis at syphilis screening.

 

Arrow
Arrow
Slider