Calibration ng mga Timbangan sa Palengke, Lalong Pinaigting

Calibration ng mga Timbangan sa Palengke, Lalong Pinaigting

Ang Office of Special Economic Enterprise ay muling nagsagawa ng free calibration ng mga timbangan sa Public Market ng Bayambang noong ika-20 hanggang ika-21 ng Pebrero, 2019.

May 160 na timbangan ang nacalibrate sa unang araw pa lamang, at humigit kumulang 400 naman sa sumunod na araw.

Ayon kay OIC Market Supervisor Gernalyn Santos, “Layunin nito na tuluyan nang mapuksa ang mga insidente ng madadayang timbangan sa Pamilihang Bayan para sa kapakanan ng mga mamimili na nagbabayad ng sapat na halaga.”

 

Arrow
Arrow
Slider