LCR, Patuloy ang Paglibot sa mga Barangay
Ang Local Civil Registry Office ay patuloy na naglilibot sa iba’t-ibang barangay bilang parte ng paggunita sa buwan ng Pebrero bilang Local Civil Registration Month.
Noong Pebrero 17 hanggang 21, sila ay nagtungo sa Brgy. Pangdel, Pantol, Warding, Bical Sur, Ligue, Ligue, Tambac, at Tampog sa kanilang information campaign ukol sa kahalagahan ng civil registry documents. Maraming Bayambangueño ang kanilang natulungan upang makapag-apply para sa late registration of live birth at pag-aayos ng iba pang importanteng civil registry documents.
Kasabay din ng programang ito ang patuloy na data capturing para sa Community Service Card ng mga myembro ng Pantawid Pamilya.