‘Healthy Young Ones,’ Muling Inilunsad ng RHU I
Muling binuhay ng RHU I ang ‘Healthy Young Ones’ project nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga health lecture nito sa iba’t ibang eskwelahan ng Bayambang sa loob ng isang linggo.
Sinimulan ito noong ika-13 ng Pebrero, 2019 sa Sanlibo National High School (SNHS), Brgy. Sanlibo. Ang mga tagapakinig ay kinabibilangan ng mga estudyante mula Grade 9 hanggang Grade 10, at ang mga lecturers ay winelcome ni SNHS Principal Confucius T. Cristobal.
Nagkaroon ng dalawang session ang naturang lecture na pinangunahan ng mga nurse ng RHU I at DOH. Sa unang bahagi, itinuro ni Eurika Q. Fernandez ang tungkol sa Mental Health & Drug Abuse, ni Cherry Lyn D. de Guzman ang usaping HIV/AIDS, STI, at COVID-19, at ni Nancy B. Dulayang tungkol sa SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression), Nutrition at Oral Health.
Kinahapunan naman, ang naging talakayin ay ukol sa parenting, at ito ay ginanap sa Sanlibo Barangay Hall.
Naging bahagi din sa proyektong ito sina RHU I nurse Grace Abiang at Jessie Herrera, at ang DOH nurse na si Gary Villanueva.
Layunin ng proyektong ito na imulat ang pang-unawa ng mga kabataan sa iba’t ibang paksa na ito upang maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari na maaring magdudulot sa kanila ng pagsisisi sa huli, at gayundin naman upang maihanda ang mga mag-asawang haharap sa mabigat na responsibilidad ng pagiging mga magulang.