Meat Processing Mini-Factory, Pinasinayaan
Noong ika-17 ng Pebrero, pinasinayaan ni Mayor Cezar Quiambao ang bagong pasilidad para sa Meat Processing sa ANCOP Village sa Brgy. Sancagulis.
Ito ay tagumpay na idinaos sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., Bayambang Poverty Reduction Action Team ng LGU-Bayambang, Department of Social Welfare and Development, Pangasinan Technological Institute, Technical Education and Skills Development Authority, at siyempre ang Couples for Christ-Answering the Cry of the Poor (CFC-ANCOP) na siyang pangunahing sponsor ng pagpapatayo ng bagong komunidad na tinaguriang ANCOP Ville sa barangay.
Mga miyembro ng Pantawid Pamilya Program ang pangunahing benepisyaryo ng naturang NGO-sponsored socialized housing project na siyang kinatitirikan ng bagong-tayong meat processing facility.