U4U/Teen Trail Seminar, Dinala sa Sanlibo NHS
Noong January 22, nagsagawa ng isa na namang edisyon ng Youth-4-You (U4U) Facilitator’s Training at Teen Trail Seminar sa Sanlibo National High Sschool.
Ito ay sa inisyatibo ni SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez at Local Youth Development Officer Johnson Abalos, at suporta mula sa Quiambao-Sabangan administration, at sa tulong na rin nina SK Chairpersons Mariane Joshia O. Ercilla, Russel A. Junio, Christian Quijalvo, Arjay Alvarez, Kaye Ann L. Garcia, Juan Carlos Gabriel, at SK Kagawad Sergio delos Santos, gayundin sa pakikipagtulungan ni Sanlibo National High School Principal, Dr. Confucious Cristobal at Supreme Student Government adviser na si Ms. Marife Acleta.
Ang U4U Teen Trail Initiative ay isang communication campaign upang maiwasan ang premarital sex sa mga kabataan. Nilalayon nitong madagdagan ang kamalayan ng mga batang Pilipino sa pag-antala sa sekswal na kamalayan, maiwasan ang pagbubuntis sa mga tinedyer, at maiwasan ang mga impeksyong sekswal. Ang U4U ay naglalayong matawag ang pansin ng mga batang babae at lalaki na may edad na 10-17.
Mismong ang mga kaedad na mag-aaral ang namahala sa kaganapang ito, matapos silang masanay sa pag-facilitate ng iba’t ibang bahagi ng naturang caravan.
Sa 2-day event na ito, naanyayahan ang Grade 10 (50 na kalahok) at Grade 11 (20 kalahok) students sa naturang high school.