2019 Social Pension ng Indigent Seniors, Ipinamahagi Na ng DSWD
Noong January 21 to 22 ay nagdistribute ang DSWD ng social pension sa Events Center para sa mga indigent na senior citizens ng Bayambang, sa tulong ng MSWDO at Office of Senior Citizens Affairs.
Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P6,000 cash na nakalaan para sa 1st at 2nd semester ng taong 2019.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay base sa listahan na vinalidate mismo ng DSWD, ayon na rin sa panuntunan ng ahensya sa pamamahagi ng nasabing social pension.