Babaleg ya salamat ed sikayon amin!
Dahil sa inisyatibo ng Quiambao-Sabangan adminsitration, nagsimulang magbigay ng donasyon ang mga Bayambangueños para sa mga biktima ng Taal Volcano eruption sa Batangas simula noong Enero 14 hanggang 20 sa opisina ng MDRRMC.
May 154 katao na may mabubuting puso ang nagbigay ng donasyon gaya ng mga damit, pagkain, tubig, sabon, atbp.
May 8,627 na food items ang nalikom na donasyon, samantalang 14,306 naman ang mga gamit gaya ng bedsheet, punda at damit.
Noong Enero 21, nagtulung-tulong ang MDRRMC, Kasama Kita Sa Barangay Foundation, MSWDO, BPRAT, PIO, Nutrition Office at student-OJTs ng Munisipyo sa pag-aayos, pagbubukod at pagbibilang ng mga donasyon sa Wawa Evacuation Center.
Narito ang ilang mga larawan.
Maraming salamat sa inyong pagtulong, Bayambangueños!