Buntis Party at Blood Donation Campaign 2020, Inilunsad ng RHU III
Ang Rural Health Unit III sa Brgy. Carungay, sa pamamahala ni Dra. Adrienne A. Estrada, ay nagsagawa ng “Buntis Party and Blood Donation Campaign 2020” noong ika-10 ng Enero 2020 sa RHU III sa Brgy. Carungay.
Ito na dinaluhan ng humigit kumulang sa 50 buntis na nagmula sa Brgy. Carungay, Pangdel, Apalen, Tatarac, Inirangan at Reynado. Ang programa ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng (1) pagkakaroon ng malusog na pagbubuntis, (2) tamang paraan ng pagpapasuso ng ina (breastfeeding), at (3) pagplano ng pamiya.
Ang mga dumalo ay hinikayat ding magbigay ng dugo kung may darating na mobile blood donation drive.