RSBSA Orientation at Validation para sa mga Magsasaka, Isinasagawa
Nagsagawa kamakailan ang Municipal Agriculture Office ng orientation ukol sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa iba’t-ibang farming barangays, at matapos nito ay isinunod naman ang validation ng listahan ng mga magsasaka, farm workers, at fisherfolk para sa RSBSA.
Ayon sa Agriculture Office, ang RSBSA ay ang opisyal na talaan ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang mga tunay na magsasaka at mangingisdang Pilipino. Ito rin ang batayan ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga intervention sa pagsasaka.
As of December 27, 2019, ang MAO ay nakapaglibot na sa Brgy. Nasian Sur, Nalsian Norte, Bongato West, Asin, Bical Sur, Pantol, at Tatarac.
Ayon sa Agriculture Office, ang dating RSBSA ay gawa pa ng Philippine Statistis Authority ilang tao na ang nakararaan, at ilan sa mga nakalistang magsasaka ay pumanaw na, kaya kinailangan nang i-update ang listahan. Sa ilallim ng panunungkulan ni Agriculture Secretary Dar ay ang lokal na Agriculture Department ang naatasan na bumaba sa mga barangay upang mailista lahat ng mga kasalukuyang magsasaka sa kanilang nasasakupan.
Samantala, naging abala rin ang MAO sa pag-monitor ng mga kasalukuyang livelihood projects (mushroom production at layer poultry farming) sa Brgy Pantol.
(Photos by Zyra Orpiano, MAO)