Bong-Bong (Bamboo Cannon), Nagpaugong sa Municipal Auditorium
Kay sayang salubungin ang bagong taon sa pamamagitan ng bong-bong, ang tradisyunal na ‘kanyon’ na yari sa kawayan na ginagamitan ng tubig at kalburo upang pumutok. Ito ay ang legal at mas ligtas na alternatibo sa firecrackers, kaya naman naisipan ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao at Vice Mayor Raul R. Sabangan, na buhayin ang tradisyong ito sa Bayambang.
Naghanda ang Barangay Hermoza at Tococ West ng mga bong-bong na nilagyan nila ng sarili nilang mga disenyo. Matapos masaksihan ang parada ng mga Disney characters at mapanood ang pinakamalaking Animated Christmas Display sa Municipal Plaza noong ika-27 ng Disyembre ay pinaputok ng dalawang kalahok ang kanilang mga kanyon bilang parte ng kasiyahan na inihanda ng lokal na pamahalaan para sa mga Bayambangueño ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ang programa ay inorganisa ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, sa pangunguna ni Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, sa tulong ng Bayambang Culture and Arts Society, at Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., at ng opisina nina Councilor Joseph Vincent Ramos, Councilor Mylvin Junio, at Councilor Benjamin Francisco De Vera.